Magkakasamang litrato ng mga turistang Koreano sa Huangshizhai
“Taglagas sa Zhangjiajie, mas maganda pa sa larawan ang tanawin.” Noong Nobyembre 12, masayang nagpakuha ng litrato ang isang grupo ng mga turistang Koreano sa scenic spot na Huangshizhai sa Wulingyuan, isang pandaigdigang pamanang likas.
Sa huling bahagi ng taglagas, nagsisimula nang manilaw at mamula ang maraming dahon ng mga puno sa mga taluktok ng scenic spot na Wulingyuan sa Zhangjiajie, at lalong kitang-kita ang mga ito sa saliw ng laging-lunting mga dahon. Ang makulay na mga dahon ay lalong nagpapaganda sa buong scenic spot, parang likas na oil painting, na nagpapahanga sa mga turista mula sa loob at labas ng bansa.